Ye Olde BIODIESEL

ano ang bio-diesel?

Ang Bio-diesel ay isang (mas) mahusay na gatong sa sasakyan na gawa mula sa mantika o coconut oil. Ito ay kilala din sa tawag na Coco Methyl Ester (CME) o Soy Methyl Ester (SME), depende sa pinanggagalingang mantika.

 

Ang coconut oil o mantika ba ay bio-diesel?

Hindi po. Kung ang sabon ay iba sa mantika ganun din ang bio-diesel.  Ang coconut oil o mantika ay dinadaan sa isang prosesong kemikal upang mabago ang katangian at maging Bio-diesel.

 

hindi ba kakatok ang makina ko?

Hindi po. Sa katunayan, mas mahusay ang Bio-diesel dahil napagaganda nito ang takbo ng makina bago man o luma.

 

bakit ako gagamit ng biodiesel?

Ayon sa mga pagsusuri at aktwal na paggamit, ang Bio-diesel ay nagbibigay ng mg sumusunod na bentahe:

 

17% dagdag kilometro sa bawat litro ng Bio-diesel.

Bawas konsumo kaya matipid.

Mas malakas humatak kaysa krudo.

Hindi nag-iiwan ng latak at sinusunog ang karbon na iniwan ng krudo kaya lumilinis ng makina.

Lumulubrika ng makina.

50% ang bawas sa usok at polusyon sa paggamit lamang ng 1% halo.

Walang kailangang baguhin sa makina.

Hindi nakalalason sa kalusugan at kapaligiran. (Ang asin ay 10 beses na higit na nakalalason kaysa Bio-diesel.)

 

paano ginagamit ang Biodiesel?

Maaring ihalo ang Bio-diesel sa krudo bilang 1% o 5% ENHANCER.

Maari din itong gamitin ng 100% PURO o walang halong krudo.

Welcome

Recent Photos

 

Facebook Share

Share on Facebook

Tell Your Friends

Spread The Word

Powered by Webs